Greetings My Friend

Welcome to my personal blog. This blog is all about life, faith, love and anything under the sun. Peace out.

Thursday, February 3, 2011

Salamat

A chapter of my life is about to close and a new chapter will begin. Graduation will be on Saturday. But before that I would like to post a thank you message to all of the people who made me what I am today.


To all of my blockmates, block EN. Kahit 1 year lang tayo nagkasama, nagenjoy talaga ako.sa  Special thanks sa mga unang naging kaibigan ko sa DLSU, sila Keem, VJ, Francis, Brett, Perdi, Ian at madami pang iba. Maraming umalis at lumipat block natin at isa na ko dun. Pero nakakatuwang isipin na sabay sabya pa rin tayong ga-graduate. Buti na lang trisem tayo. Haha


To ICTM ID 107, S13, S14, S15, S16. Salamat kahit bago ako sa CCS, welcome pa din ako. Drama. Masyadong madami para sabihin ko lahat ng names nyo. Piliin ko na lang, salamat kay Pauline, Pe, Robert, Alfred, Maichi., Lara, Ria, Sy, Alexis, Nicole, Jacy, Raisa at sa lahat ng naging groupmates at partner ko sa mga activities. Naka-survive din tayo with flying colors sa course natin.


To my FORMDEV Family. Salamat kay Doc Sison sa lahat ng tinuro ninyo sakin. I appreciate all of it and it made my faith stronger. Sa fellow facis, salamat sa masasayang kulitan and kantahan. Continue to serve God and others kahit wala na tayo sa campus. Sa lahat ng handles ko, sorry kung di kosa  kayo nalibre. Short lang talaga. Haha. Just keep in mind that no matter what happens God will always be there for you.


To my CCC family. Thank you kay Kuya Geoff and Kuya Nathan. Sila ang mga naging mentors ko during may early days at DLSU. Thank you din kayla Val, Mark To, Ate Alps, Ate Liselle, Ponch, Kuya Paul, Ate KZ, Ate Kristel, Pearl and many more. You've helped me learn and apply how to really reach out to the students with the Good News. Salamat sa lahat ng advice, archer's calls and follow ups.


To my JIL family. Thank you sa lahat ng prayers and fellowships. Kung wala kayo di ko alam kung papano ako mag-ggrow as a believer. Sa KKBs and LIFEJAM, I salute you all sa lahat ng ginagawa nyo. Keep it up.


To Mama and Papa. Salamat sa lahat at kahit na alam nyong mahirap magpa-aral sa La Salle pinilit nyo pa din akong mapagtapos. Alam ko po lahat ng pagod and struggles nyo dahil di naman po talaga madaling magpa-aral sa isang sikat na University. Many time, I took for granted your hard work for me pero it does not mean I'm not grateful. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigay nya kayo samin nila Bert and Bebe bilang magulang. Kung wala po kayo, wala din ako. Love you Pa and Ma. 


To Jesus. Thank you po sa lahat ng blesssing and sa maga tao na binigay nyo sa buhay ko. Salamat po sa inyong walang hanggang pag-ibig at habag na patuloy ko pong nararanasan sa kabila ng pagsuway ko po sa inyo. Wala na po akong masabi dahi alam kong alam nyo naman ang laman ng puso ko. Salamat po.


Excited to see what's in store for me in the future. My best days are ahead of me.


~Rob

1 comments:

jhaye said...

ah ganon. ganyanan na pala ha :|

Post a Comment