Greetings My Friend

Welcome to my personal blog. This blog is all about life, faith, love and anything under the sun. Peace out.

Friday, December 31, 2010

Bagong Taon - 2011

Ang bilis ng panahon, ilang oras na lang 2011 na. Naging makabuluhan at masaya ang aking 2010. Marami akong natutunan. Maraming nakilalang bagong kaibigan. Maraming taong nakasama na nagpasaya sa akin. Maraming biyayang natanggap. Maraming pagkaing natikman. Maraming napuntahan na lugar. Maraming pangyayaring nagpabago ng aking kaisipan. 


Sa kabila ng lahat, nalaman ko na masarap mabuhay lalo na pagkasama mo si Lord. May mga pagkakataong masaya, meron din namang pagkakataong malungkot. Sa bawat araw lagi kang may matutunan at kailangan mo lamang ng bukas na isipan upang matanggap ng buong buo ang mga bagay na magtuturo kung pano talaga mabuhay na puno at kasiya-siya.


Ako ay lubos na nagagalak sa mangyayari ngayong 2011. Alam kong maraming darating na bago. Bago sa paningin ko. Mga bagong bagay na huhubog sa aking pagkatao. Kaya naman maligayang Bagong Taon sa inyong lahat. THE BEST IS YET TO COME!

0 comments:

Post a Comment